Thursday, May 26, 2016

Lalake Nahuling Namboboso



Isang construction worker na nakilalang si Fernando Dulce, Jr ay arrestado pagkatapos na mahuling namboboso sa isang babae habang naliligo sa loob ng apartelle sa Makati.

Nahuli ng isang 20-anyos na babaeng biktima si na namboboso Dulce habang siya ay naliligo at napansin nyang lumaki na ang butas sa pader ng katabing CR na panlalake.

Dalidali siyang nagsumbong sa room attendant pero nang komprontahin ng attendant ang lalaki ay ito pa ang nagalit.

Rumesponde naman agad ang mga barangay tanod at hinuli ang suspek na si Fernando Dulce, Jr.

Hindi humarap sa kamera si Dulce pero depensa niya, naglalaba lamang umano siya sa loob ng CR.

Kinuwestyon naman ng biktima kung paano nakapasok ang suspek sa panlalaking CR ganoong matagal na itong isinara.

Labis din ang takot ng biktima sa nangyari lalo't mag-isa lang siyang lumuwas ng probinsya para magtrabaho sa Maynila. Pero dahil sa insidente, balak na lamang niyang umuwi sa kanila.

Desidido rin ang biktima na sampahan ng kaso ang suspek para turuan ng leksyon.

No comments:

Post a Comment