Monday, December 2, 2019

Viral: Doktor Nagwala Nagalit sa Driver ng L300



road rage, doctor road rage, doktor nagmura, Tomas Mendez

Viral na video ng isa daw doktor na minumura ang driver ng L300. Sa viral video makikita na minumura ng isang lalaki ang driver ng L300 dahil nagitgit daw niya ito nang subukan niyang lumipat ng linya. Maririnig din na may boses ng babae na sinabi na nambato ng salamin ang lalaking nagmumura.




Nagviral din ang luma nyang video sa isang pang insidente kung saan sinabi ng uploader na si Pulo Eusebio na nilait at sinigawan din umano siya ng lalaki sa viral video. “Sinasabihan pako na naka pickup lang ako, pulubi daw, mahirap, tiga kanto daw ako."




Ayon sa ABS-CBN News, pinatatawag na ang Doctor sa viral video ng LTO. Pinangalanan na din nila ang doktor na si Tomas Mendez.

"Umabot na po sa kinauukulan ang insidenteng ito at sa kasalukuyan ay gumagawa na ng hakbang ang ating Land Transportation Office-Philippines upang maipatawag at mahingan ng paliwanag si Dr. Tomas Mendez, ang road rage suspect," the DOTr said in Facebook post.