Sunday, February 19, 2017

Senador Leila de Lima Nag-React sa Caucus ng Senado tungkol sa Warrant of Arrest sa Kanya

Senador Leila de Lima, sen de5, arrest warrant, de lima arrested


Here's the reaction of Senador Leila de Lima on Senate Caucus regarding her arrest warrant, in an interview with Kabayan Noli de Castro on DZMM teleradyo:

De Lima: Ngayon ko pa lang nalaman nang mabasa ko sa dyaryo. Wala pang notice sa atin tungkol sa caucus.

De Lima sa 3 kasong isinampa sa kanya: Natatawa ako sa charges na yan. Para sa akin, it so surreal and unbelievable.

De Lima: Kung kanino man mapunta itong kaso, pag-aralan muna nila 'yan.

De Lima: Kailangan na makumbinsido ang judge, na dapat may jurisdiction at may probable cause. Yan ang nire-raise ng aking mga abogado.

De Lima: Mariin kong tinatanggi ang mga sinasabi nila sa akin.

De Lima: 'Yung mga tunay na dawit sa illegal drug trade ay hindi kinasuhan ng DOJ. Pilit na pilit ang mga alegasyon nila sa akin.

De Lima: Ang gusto muna namin ay ma-dismiss ang mga kaso na ito sa RTC.

De Lima: Ang may jurisdiction dito ay ang Ombudsman at ang Sandiganbayan.

De Lima: Wala po akong kino-commit na acts of persecution.

De Lima: Hinding hindi ko inabuso ang aking kapangyarihan kaya I don't deserve this.

De Lima: Walang basehan ang kanilang kaso.

De Lima: Hinding hindi ako magtatago. Hinding hindi ako tatakas dahil malinis po ang aking konsensya.

De Lima: Huwag naman silang ganyan na masyadong nanggigipit. Alam nila 'yan na ang mga sinampang kaso sa akin ay gawa-gawa lamang.

De Lima sa planong pagpapalaya kay Napoles: Isang kahibangan na naman iyan ng administrasyong ito.

De Lima: Hindi natin alam kung ano ang hidden agenda ng administrasyong ito sa pagpapakawala kay Napoles.

De Lima: Gagamitin na naman siya (Napoles) sa pang iipit ng ibang tao. Maaaring gamitin siya para ako ay ipitin din.



No comments:

Post a Comment