Tuesday, November 22, 2016

Kerwin Espinosa Testifies During the Senate Hearing

Kerwin Espinosa Senate Hearing, drug hearing, Bato De la Rosa



Kerwin Espinosa Senate Hearing, drug hearing, Bato De la Rosa





Kerwin Espinosa names cops he allegedly paid off - Alleged Visayan drug lord Kerwin Espinosa named several police officers, including at least two generals, he said were the recipients of “SOP” or bribes to turn a blind eye to his illegal trade.

They are the current Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot, a retired police general who used to be deputy director for Region 8, and Chief Inspector Leo Laraga, the Criminal Investigation and Detection Group officer who admitted to shooting dead Espinosa’s father, the late Albuera, Leyte mayor Rolando Sr. early this month in what the CIDG Region 8 claims was a shootout inside his cell in the Baybay City sub-provincial jail.

According to Espinosa, Laraga was the one who collected the P120,000 monthly he gave to Loot, who was deputy director for administration of Police Regional Office 8 from late 2010 to December 2012, when he was appointed director of the Training Service in Camp Crame.

However, Espinosa said, only P100,000 of this was for Loot. The balance went to Laraga.

Loot was one of the five police generals publicly named by President Rodrigo Duterte as alleged drug protectors soon after he assumed office.

Meanwhile, relieved police official in Eastern Visayas denied asking or receiving protection money from suspected drug lord Kerwin Espinosa.

"Hindi totoo 'yun," said Superintendent Marvin Marcos, former chief of the Criminal Investigation and Detection Group in Region 8, on Wednesday at the sidelines of the Senate probe into the death of Kerwin's father, Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. -

Other pulis na idinawit ni Espinosa sa drug trade: Habines, Camacho, Bituin, Magamay, Aracol, Angay-angay, Torifil, Macanas


Senate Hearing Excerpts:

Espinosa: May tumawag sa akin na pulis, si Leo Laraga. Sinabi niya sa akin na inutusan siya ni Gen. Loot na kausapin ako

Espinosa says he gave P15,000 weekly to a Sr. Insp. Rio Tan and other policemen in Ormoc City Police

Espinosa: P120,000 monthly ang binibigay ko kay Laraga. P100K para kay Gen. Loot, P20K kay Laraga.

Espinosa: Noong 2013, 2014, hindi pa kasama sa binibigyan ko ng 'SOP' ang regional director. Nagsimula akong magbigay taong 2015.

Espinosa: Unang lumapit sa akin si Victor Espina at sinabi na gusto akong kausapin ni Gen. Dolina.

Espinosa: Ang plano pala ni RD, hingian ako ng 'SOP'. Hiningian ako ng P500,000 a month. Tumawad ako ng P300,000 a month.

Espinosa: Nagdeposit ako ng P3 milyon noong Feb. 2015. Then, P2M after a week. At nagpasok ako ng another P1M para kay Gen. Dolina.

Espinosa: Nang lumipas ang 2 araw, tumawag uli sa akin 'yung driver ni Leila. Ang sabi ko, "pag-usapan natin ang dapat nating pag-usapan."

Espinosa: Ako talaga ang nagbigay kay Ronnie ng pera na cash.

Espinosa: Hinihingi ni Ronnie sa akin ang P2 milyon kada buwan. Hindi ko naibigay kasi 'di ko kaya. Tumawad ako ng P750K.

Espinosa kay Dayan: Ang sabi ko, magbibigay ako pero hindi ngayon, kasi bubuuin ko pa ang pera.

Espinosa: Nagkita kami ni Ronnie sa isang mall. Noong naabot ko sa kanya ang pera, umalis ako agad.

Espinosa: Hindi ako nakapagbigay ng P700K monthly dahil tumawag sa akin ang driver at sinabi na bago mag-eleksyon ay makapagbigay ako ng P8M

Espinosa: Sa time na iyon, nagduda na ako na baka hindi nakarating kay De Lima 'yung pera.

Espinosa: Sa mga illegal transactions, 'Batman' ang code ko.

Espinosa: Nakiusap ako kay Ronnie kung puwede ko makita si Sec. Leila de Lima. Pumayag, pero hindi pwede sa Maynila.

Espinosa: Ang sabi ni Dayan, sa Baguio nalang kami magkita dahil may schedule sila doon. Hindi pwede sa Manila dahil maraming mata.

Espinosa: Hinintay ko ang tawag ni Ronnie. Noong Nov. 19-22, 2015, tumawag siya sa akin kung nasaan ako, sabi ko nasa Baguio na ako.

Espinosa: Mga alas-2 ng hapon ay tumawag na siya (Dayan). Pumunta daw kami sa Burnham Park.

Espinosa: Nagkita kami ni Ronnie at lumapit ako kay Ma'am De Lima. Ang sabi ni Ronnie, "Ma'am, si Batman."

Espinosa: Tumango lang sa akin si Ma'am De Lima. Bumalik si Ronnie sa akin at kinuha namin sa parking lot 'yung pera.

Espinosa: Ang sabi ni Dayan, "puwede ka namang magpa-picture kay ma'am. Iyan, lapitan mo."

Espinosa: Noong February, nagbigay ako ng pera kay Ronnie, P2.3 milyon.

Espinosa: Wala akong hinihinging kapalit dahil sa probinsya ko, wala namang problema sa negosyo ko ng droga. Naka-timbre na iyon sa PNP.

Espinosa: Nakumpleto ko 'yung sinabi ni Ronnie na magbigay ako ng P8M bago mag-eleksyon.

Espinosa: Tumawag sa akin si P/Supt. Marvin Marcos, sinabi niya sa akin na magtulungan kami. Pero sinabi niya, hihingi rin siya ng pabor.

Espinosa: Ang sinabi niya sa akin ay P3 milyon. Tumawad ako dahil wala akong ganyang pera. Dahil ang pera ko ay hinanda ko para sa papa ko.

Espinosa: May 7, nagbigay ako sa kanya ng P1.5 milyon. Sinabihan ko ang papa ko na, "itong pera na ito ay para kay P/Supt. Marcos."

Espinosa kay Marcos: Ang sabi niya sa akin, "bukas kunin ko yung pera ha. Kasi mag-eeleksyon na, gagamitin ko ang pera."

Espinosa: Tumawag sa akin ang tao ko, "boss, may checkpoint, hindi ako makadaan dahil may bakal na dala ang tao ko at may pera."

Espinosa: Ang sabi ni Marcos sa akin, "pag may checkpoint kami, sasabihan kita. Huwag kayong pumasok doon."

Espinosa kay Marcos: Sinabihan ko siya, "sir, 'pag nanalo ang papa ko, may bonus ka sa akin." Binigyan namin siya ng P500,000. Ang kabuuang naibigay namin ay P3 milyon.

Espinosa sa pagkikita nila ni Marcos: 100% sigurado ako na nakuhaan ng CCTV iyon sa hotel. Kinuha ni Sir Jovie ang hard drive ng CCTV.

PNP-IAS Deputy Insp. Gen. CSupt Leuterio: Mga pulis na nabanggit ni Kerwin Espinosa sa Senado, ipatatawag sa Camp Crame

Espinosa kung bakit siya umalis ng bansa: Noong nalaman kong nanalo na si Pres. Duterte, naisip ko na talaga na may cleansing na magaganap.

Espinosa: June 21 umalis na ako ng bansa. Talagang sa airport ako dumaan kasi ang alam ko, wala akong hold departure (order).

Espinosa, iginiit na legal ang pag-alis niya ng bansa.

Espinosa: Nagpunta ako sa Malaysia. Nung nalaman ko na hinahanap ako, lumipad agad ako ng Phuket. Tapos sa Bangkok.

source:
https://twitter.com/DZMMTeleRadyo?ref_src=twsrc%5Egoogle%7Ctwcamp%5Eserp%7Ctwgr%5Eauthor


No comments:

Post a Comment