Wednesday, September 14, 2016
Senate Hearing: Matobato Former Lambada Boys Then Davao Death Squad
Justice committee chaired by Senator Leila de Lima resumes hearings today September 15 she presented a new witness Edgar Matubato of Davao City, 57 who claimed that he is a former Lambada Boys which eventually renamed Davao Death Squad. He claimed he wants to give justice to the killings he committed.
Here are his testimony based on the senate hearing:
- Matubato: Noong 1982 pumasok ako ng CAFGU ng Scout Ranger. Matagal din ako naging CAFGU.
- Matubato: Nung nagsimula maging Mayor si Duterte kinuha ako sa Davao City, nagtatag siya ng grupo na "Lambada boys" o liquidation squad.
- Matubato: Ang trabaho po namin ay pumapatay ng kriminal kagaya ng drug pusher, rapist, snatcher. Ganyan po ang pinapatay namin araw-araw.
- Matubato: Nung 1993, dumami na kami. Sumama na samin ang rebel returnees.
- Matubato: Noong 1993, binomba ang Cathedral ng Davao City. Umorder naman si Mayor Duterte na massacre-in ang mosque ng mga Muslim.
- Matubato: Inuutos ni Mayor Duterte (ngayo'y Pres. Duterte) na bombahin ang mosque. Gumaganti siya sa pagbomba ng Cathedral.
- Matubato: Inutos rin niya na hulihin 'yung mga Muslim na suspek at patayin. Inabangan namin 'yung mga Muslim.
- Matubato: Pagkatapos patayin, inililibing namin sa isang quarry (site).
Matubato also tags PNP Chief DG Ronald Dela Rosa in the kidnapping of a certain Sali Makdum.Matubato says they killed Makdum and buried his body in a quarry site.
- Matubato on Makdum: Binigti muna tapos pinutol-putol ang katawan, hiniwa-hiwalay
- Matubato: Pinakidnap din ni Mayor Duterte ang apat na tao ni Prospero Nograles.
- Matubato identifies Sonny Buenaventura and a certain Lascanas as one of Mayor Duterte's men
- Matubato: May kagalit si Vice Mayor Paulo Duterte, sinalvage namin, kami ni Arthur Lascanas, nilagyan ng .38-caliber para masabing lumaban.
- Matubato: May pinapatay na fixer ng LTO si Mayor Duterte noong 2013. Pinalabas namin na holdaper.
- Matubato: Marami kaming pinapatay, pero hindi namin nalalaman ang pangalan.
- Matubato: Sa Davao, kapag napapatay 'yan, may baril 'yan. Nilalagyan ng baril para ebidensya na nanlaban. Ang pulis may reserba na baril.
- Matubato: May 3 hinihinalang pusher na babae, doon namin kinuha sa apartment nila, pinatay namin.
- Matubato: Dinala namin yung 3 babae sa San Rafael Village, doon namin pinatay, iniwan namin sa kalsada. 2013 'yun.
- Matubato: 2007, mayroon kaming operasyon, nanghuli kami ng kidnapper sa Sarangani. Dinala namin 'yung tao tapos pinakain namin sa buwaya.
- Witness: 1993, mayroon kaming pinatay na religious group leader. Sa pagkakaalam ko lang, nang-aagaw ng lupa ang mga tao niya.
- Witness: 5 mayor ang nag-finance sa pagpatay sa kanya.
- Witness: 2014, pinatay ang pinakabilyonaryo sa Cebu na si Richard King doon sa Davao City. Ang nag-utos nyan si Paulo Duterte.
- Witness: Pinapatay si King dahil rival sila ni Paulo sa 1 babae na may-ari ng McDonald sa Davao.
- Witness: Rebel-returnees ang tumira kay Richard King.
- Witness: Nagpaalam na ko noong Sept. 2013 na 'di na ko magtatrabaho kasi matanda na ko
- Witness: Nakokonsensya na ko kaya gusto ko na magtrabaho ng marangal. Ayaw nila ako magsalita, ako ang ginawa nila fall guy sa kaso ni King.
- Witness: Tinorture ako ng 1 linggo. Gusto nila akong patayin para hindi na ako magsalita. Pasalamat ko na lang na hindi ako sinalvage.
- Witness: Noong nalaman kong nanalo si Duterte na Pangulo, kusa akong lumabas. Umalis ako sa Witness Protection Program
- Witness: Nagtago ako sa Cebu, Leyte, Samar. August 21, 2014, sumurrender ako sa CHR.
- Witness: Simula 1988 hanggang 2013 ang patayan sa Davao, siguro ang napatay namin higit isang libo na sa Davao City lang
- Witness: Ipinapatay ni Duterte ang broadcaster na si Jun Pala noong 2013
- Witness: In-ambush si Jun Pala pauwi sa kanilang bahay. Pinalabas na NPA.
- Witness: Inutos ni Mayor Duterte na patayin 'yung dance instructor na kasintahan ng kapatid niya.
- Witness: Binigti namin, sinaksak. Kinuhaan namin ng damit, sinunog namin, pinutol-putol ang katawan, binuhusan ng used oil para di sumingaw
- Matobato says policeman Arthur Lascanas, who leads the killings, is very powerful in Davao, can even order generals
- Witness: Sa pag-umpisa ko mula 1988 hanggang 2013, siguro nasa 50 katao ang napatay ko.
- Witness: Si Paolo Duterte ay naghahawak ng smuggle na bigas, langis na krudo.
- Witness: Si Mayor Duterte ang tumapos sa isang NBI agent na si Amisola
- Witness: Kilalang-kilala ako (ni Pres. Duterte). Sa bahay niya, doon ako nagse-security minsan.
- Witness: Si Alvin Laud ang pinaka-tirador sa Davao Death Squad.
- Witness: Na-assign si Alvin Laud sa NAIA. Expert sa bomb si Laud.
- Witness: Ang trabaho ng rebel-returnees ay pagpatay sa rugby boys, magnanakaw na mga bata pa. 15-17 anyos. 'Yan ang trabaho nila.
- Witness: Ang humahawak sa mga rebel returnees ay mga kapitan ng barangay. Nagsasahod din sila sa City Hall.
- Witness: Umaabot kami [Davao Death Squad] sa 300. Meron pa ring DDS hanggang ngayon.
- Witness: Walang nahuhuli na DDS kasi mga pulis 'yan. Hindi mga sibilyan ang DDS.
- Witness: Meron kaming ibang pinaglilibingan, sa Gaisano property. Nasa 100 ang nailibing sa Gaisano.
- Witness: Mas marami ang dinudukot kaysa binabaril.
SOURCE
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment