Noong nakaraang linggo, matatandaang maraming major at minor media outlets ang nagbalita na si Julian Martir ay nakapasa sa 30 na prestihiyosong unibersidad sa ibang bansa na mayroong mga scholarship na nagkakahalaga ng P106 milyon. Sa pamagat na ito, makikita na ang dami ng reaksyon at shares sa Facebook na ito, o sa ibang salita, ay tiyak na mag-t-trending ito ng publiko.
Ngunit noong ika-19 ng Mayo, nagbago ang buong kwento matapos makita ng mga Pilipino ang online interview na isinagawa ng isang Philippine broadcast station, kung saan si Julian Martir ay medyo nagkamali nang tanungin kung bakit niya napili ang kurso na kanyang pinili. Sa Interview nya sa News5, tinanong siya ng reporter kung bakit double course sa mathematics at science ang guston niya ang sagot niya ay: "I want to be a quantum scientist po kasi makikita mo ‘yan sa mga Avengers po. Gusto kong i-build yung biomechanics prototype po para magagamit ko siya sa glasses po na pwede tayong maka-communicate sa mga animals po. Kasi yung glasses na ‘yan parang inadvance ko yung technology, parang ‘yung tinatawag natin na super computers po." Dito na nag duda ang mga tao, dahil hindi ganyan sumagot ang mga totoong henyo.
Sa DZRH ininterview ang assistant principal ng Senior High School sa Negros Occidental High School sabi nya. "Kung totoo man ‘yan, we’ll be happy for him pero we are still verifying yung mga claims niya. May mga comments na nababasa ako bashing him and telling na i-fact check yan. So parang, hindi namin pwede i-confirm ang isang bagay na hindi naman talaga kami sure. Nagta-try kami na i-e-mail ‘yung mga nabanggit na universities sa US and sa Europe kung totoo nga na siya ay nabigyan ng scholarship. Hanggat wala kaming nahahawakang dokumento na nagpapatunay, hindi kami mag-coconfirm.
Madaming Netizens ang pumuna sa media na hindi nag v-verify ng mga news stories nila. Hindi mo na din ma-access ang mga news report nila tungkol kay Julian Martir:
Sabi naman ng isang intern sa college's admissions office sa ibang bansa na may experience sa ganitong foreign scholarship:
"Ako ay bahagi na ng wild ride ng international college admissions sa loob ng mga 2-3 taon na. Naging sobrang nakatuon ako dito noong buong taon ko ng pagitan ng dalawang taon sa kolehiyo, kaya't alam ko kung ano ang pinag-uusapan ko.
Ngayon, ano nga ba ang nangyari kay Julian Martir?
Si Julian ay ang pinakabatang anak ng isang tricycle driver at isang vendor. Mula sa Negros, nag-aplay siya sa mga kolehiyo sa panahon ng kanyang gap year. Tinanggap siya sa 30 na paaralan, na may mga scholarship na nagkakahalaga ng $1.9M (~P106 M).
Maraming tao ang nagsasabing ito ay peke. Pero naniniwala ako na nagsasabi ng totoo si Julian.
Ang listahan sa ibaba ay mga paaralan kung saan tinanggap si Julian. Ito ay ilan sa mga karaniwang "safety schools" na inaapplyan ng mga international student dahil mataas ang acceptance rate at maluwag sa pagbibigay ng merit scholarships.
NGUNIT. Para kay Julian, na tila nanggaling sa isang low-income background, hindi ito sapat.
Maramisa mga paaralan na ito ang may gastos na $50-70k/taon, at ang mga scholarship ay kadalasang nagtatakda lamang ng hanggang $20k/taon.
Hindi maaaring magdagdag ng mga scholarship mula sa iba't ibang paaralan, kaya hindi kayang pondohan ni Julian ang kanyang mga pagtanggap.
Kaya't... bakit nga ba mahalaga ang isyung ito? Bakit dapat mong alalahanin kung nagsasabi ng totoo si Julian o nagpapanggap siya sa kanyang mga scholarship?
Sa palagay ko, ito ay isang nakakabighaning isyu dahil ito ay nagbabalangkas ng maraming kritikal na mga isyu na kinakaharap ng bawat isa sa modernong lipunan ng Pilipinas."
Ayon naman sa 8list, sinubukan nila kumpirmahin ang status ni Julian Martir sa 30 universities sa listahan ni Julian Martir. Isa lang ang sumagot ang Alfred University na kinumpirma na natanggap nga siya pero hindi sinabi kung scholar siya.
Nabalita kamakailan lamang na ayon sa World Population Review na ang IQ ng average na Pilipino ay mas mababa sa average, at nasa mas mababang kalahati ng Southeast Asian region, kasama ang Malaysia, Brunei, Laos, at Indonesia.